August 22, 2008. Friday night.
Around 7:00 PM sa aking cubicle sa office.
Tahimik sa paligid. Halos lahat ng tao ay nasa labas at kumakain ng hapunan. Habang ako, nakaupo lang. Nakikinig sa radyo ng isang telepono. Naghihintay ng emails ukol sa ginagawa kong trabaho. Naisip kong umihi dahil kanina ko pa ito pinipigilan.
Tumayo. At nagpunta ako ng cr.
Umihi. At natapos din.
Habang itinataas ko ang aking pantalon, napatingin ako sa aking mga paa.. sa nail polish na ako mismo ang naglagay. At napatingin din ako sa suot kong tsinelas. Kulay gray ito.
Napatingin ako sa kaliwang pares ng aking tsinelas. Kulay gray. Ang brand ay Banana peel.
Napaisip ako ng ilang segundo. Nagtaka. Hmmmmm...
Sabay, ibinaling ko na ang pansin ko sa kanang tsinelas ko. Kulay gray din. Ang brand ay Havaianas.
Uhmmmmmm.....
Shocks!!!!! Shocks!!!!!!!!!! Magkaiba ang suot kong tsinelas! Gusto kong mapaLOL ng literal sa loob ng cr. Napakatangang nilalang at hindi ko napansin iyon. Tsk tsk tsk. LOL! Ngayon lang nangyari sa tanan ng buhay ko na magsuot ng magkaibang pares ng kung anumang bagay. Hahahahahahah! Shet! Stupid! Gaga! Leche!
Pinagmasdan ko ang aking suot na tsinelas.. Hmmmmmm, pero in fairness, hindi naman halata (pampalubag loob lang... ). Kung iyong pagmamasdan lang naman ng mabuti tska mo lang mapapansin at mapapaLOL ka talaga.
Sabay inisip ko ang mga nagdaang pangyayari kanina. Sa MRT? Hmmm sana walang nakapansin huhuhu! Nakatayo pa nman ako sa bandang gitna. LOL!
Sa bus? Uhmmmm... sana walang tumingin sa mga paa ko na kulay mustard yellow pa naman ang nail polish... LOL!
At dito sa office? Uhmmmm kanina pa ako namamasyal dito.. At walang nagtatangkang makapansin.. Buti nalang! Hahahah! Buti nalang at gabi na rin... Mas lalong hindi mahahalata. LOL!
Carry ko parin naman eh! May poise parin naman! Siyempre!
Ito ang tunay na fashionista at trend maker! LOL! =))
Shocks! Isa sa mga hindi ko makakalimutan at nakakahiya at napakatangang pangyayari sa buhay ko...
Wala akong pake! Carry naman 'day! :P
Sorry naoverused ko ang 'LOL' word... hahahaha! LOL!
1 comment:
lol!
Post a Comment