Thursday, August 07, 2008

Aug 04, 2008 moment

Ako'y papunta sa kinaroroonan ng aking kikitain. Biglang may sumambit sa aking ngalan.. "Gen! Gen! Gen!" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Lumingon ng ilang beses. Pinasyal ang mga mata sa mga taong nakatayo sa smoking area. Nandun, nakita ko ang aking kabarkada. Nilapitan ko. Kinamusta. Nagkamustahan. Nagkabiruan. Nagkuwentuhan saglit. Napagtanto ko na may naghihintay nga pala sakin, kaya't nagpaalam na ko sa aking kaibigan. Ayun, nandoon na nga siya at naghihintay sa akin sa isang sulok. Nagtatago. Ang plano namen ay magmerienda sa Mcdo. Ngunit sa hindi ko alam na dahilan, sinabi niyang sa Jollibee na lang. Napaisip ako. Dahil ba sa dadaanan naming daan ay madadaanan namin ang aking kabarkada at makikita siyang kasama ako? Dahil ba ayaw nyang makita na magkasama kami at baka matsismis at makarating sa babaeng iniiwasan nyang malaman ang aming ginagawa? Yun ang unang pumasok sa isip ko. Hinayaan ko nalang na tumakbo sa isip ko ang mga katanungang iyon ng walang basehan. Ngunit sa loob loob ko, baka nga yun nga ang totoo. Masakit. Nasaktan ako. Ngunit hinayaan ko nalang dahil ewan ko. Napakasakit itago ang katotohanang "unconsciously" mo akong kinakahiya at tinatago sa madla. Nakakababa ng pagkatao. Nakakapanget. Hindi ko alam. Panget nga siguro talaga ako. Nakakababa ka ng self - esteem dude. Napakamanhid mo. Napakaselfish mo.

Maganda ako in my own little ways.. Leche ka hindi mo makita yun. Bulag ka nga siguro talaga. O may malaking muta ka lang sa mata at ayaw mo tanggalin. O d kaya, may catarata ka na at natatakpan na ang buong mata mo.. Malas mo hindi mo ko makita ng buong buo. Pasensya nalng. Siguro nga, ang mga mata mo ay tinadhana na makita ang ibang kagandahan. At hindi ako yun. Oki lang hehehehe.. (Yan ang confidence... Hahaha!)

Pero leche talaga.. Ayoko sa lahat tinatago o kinakahiya ako ng kahit sino. Bullsh*t tlga!!! Hate you!!!




1 comment:

Anonymous said...

tama na! tigilan mo na sya! hindi sya kagwapuhan para sarili mo'y ipagsiksikan! LOL

miss you gen! nyeta ka! magkita naman tayo!