Friday, January 15, 2010

.....

mahirap bang intidihin mga sinasabi ko? bakit kelangan parati mong sabihin yang mga yan? parang pinapalabas mo na never akong tumulong o tumutulong. kelangan bang buong buo ang pagtulong ko sa inyo para masabi nyong mabuti akong anak? kelangan bang ituon ko buong oras or pera ko sa inyo para masabi nyong may silbi ako? pano naman kung hindi ko kaya yun? alam nyo bang ang sama sama ng loob ko sa inyo ngyon dahil sa mga sinasabi nyo... kulang nalng sabihin nyo akong walang silbi... na wala na akong ginawang maganda sa inyo.. oo alam ko naman na sobrang dami kong pagkukulang.. at oo aamin ko hindi ko kayang punan lahat ng pagkukulang kong iyon. hindi ko magawa eh. ayoko eh. kasi madami din naman kayong pagkukulang saken na hindi ko na ineexpect na binigay nyo saken. siguro ganito ako, isang masamang anak dahil na din sa mga pagkukulang nyo sken.. kulang ako sa pagmamahal na parang tinatanong ko sarili ko.. mahal nyo ba tlga ako? alam nyo bang sobrang inggit ko sa mga pamilyang sobrang malalapit sa isat isa kasi hindi ko alam pakiramdam ng ganon. kasi pangarap kong maging ganon din pamilya ko pero tingin ko malayong malayo na mangyre un. nakatatak na sa isip ko na hindi na mangyayari yun kasi alam nyo kung bakit? kasi ayoko ng mangyre yun. malayo na sa realidad na mangyre yun at tanggap ko na.

ngyon... ayokong umuwi. ayokong makita kayo. kahit nasasaktan ako sa nararamdaman kong ganito sa inyo.. parang hindi ko maisip na mararamdaman ko ang ganitong galit at pagtatampo sa inyo kasi mahal ko kayo eh. ayoko man maramdaman to pero nandito na eh. ang sikip sikip ng dibdib ko ngayon. ang sakit sakit kasi eh. sobrang sakit hindi ko alam anong gagawin ko. baka magbreakdown lang ako sa sobrang sama ng loob ko. hayaan nyo pagtapos naman ng ilang araw.. mawawala din to... gaya ng mga madaming araw na naramdaman ko din to.....

2 comments:

madam said...

We know there's no perfect thing in this world. Like any other families, it's normal for petty and big fights, misunderstandings, and gaps. Nevertheless, always put in your mind and in your heart. Family especially parents will always be your parents no matter what. They may not be as showy as other mushy parents out there, but I'm pretty sure... they love you whole heartedly.

I'm just a buzz away sweetie. :) text me whenever... Hang in there.. :)

I love you. :)

madam

geni said...

thanks aiza! :D lab lab!