"Ber" month na naman.. Panibagong wish list at new year's resolutions. Wishlist palng ang kaya kong gawin kasi eto ang madali gawin hehehe! At ang new year's resolutions, sa tingin ko hindi na kelangan isulat pa. Itatatak ko nalng sa isip at puso ko.. Yun! :P Anyway, kakaiba ang mga gusto ko ngayon. Lumelevel up na! Hehehe. Hindi ko ninanais na makuha lahat. Kahit isa lang dyan, masaya na ko :)
Ultimate Wish 1: Kotse (second hand, solved na ko..)
Wish 2: Laptop
Wish 3: Wii! (Hehehe asa pa me.. :P )
Wish 4: Gorgeous and astig jacket (D ko kc nakuha last year)
Wish 5: Watch
Wish 6: Lacoste Pink perfume
Wish 7: Ankle length boots
Masyado expensive mga gusto ko. So baka isa lang makuha ko dyan. Or isa lang mabili ko sa sarili ko dyan wehehehe! O well.. at least dba?!
Nakakatuwa lang.. Nibrowse ko ang lumang post ko ng Christmas wishlist ko. Halos lahat nakuha ko naman. Nakakatuwang isipin...
Ultimate Wish 1 : Canon DSLR 450D or kahit anong Canon or Nikkon DSLR (Haaay... I wish..)
>>Hindi nga lang ung model na gusto ko kc sobrang mahal pero kagandahan naman ung slr ko ngayon noh! Hehehe! My ultimate wish of all time.. Haay! Goodjob tlga! :D
Wish 2 : Love life (Hehehehe)
>>Akalain mong nakuha ko ang tinatamasa kong love life.. Hehehe! Late nga lang dumating kc January na naging kami. Pero keri lang kasi sobrang saya ko naman. Super blessing na sakin na dumating c bf sa buhay ko.. Kahit siya nga lang makuha ko, kumpleto na ko. Yun emo mode.. Hehehe!
Wish 3 : A Sexy Bod (LOL! Wissssssssshhhhhh!!)
>>Pumayat naman ako onti.. Wehehehe! Yan ang confidence.. :D Dami nga nagsasabi pag nakikita nila ako, pumayat ako hehehe! :P
Wish 4 : Nice and astig Jacket
>>Hindi ko nakuha to kaya nasa wishlist ko parin hanggang ngayon.. Hehehe!
Wish 5 : Belle de Jour or Starbucks 2009 Planner
>>Sa tulong ng aking mga kaibigan at officemates na walang sawang umiinom ng kape, nakuha ko ang planner na gusto ko. Maraming salamat! Naalala ko pa, ICT Christmas party yun. Dec 7, Linggo. Bago kami pumunta sa World Trade, nagkape muna kami ng officemates ko. And alas! nabuo ang card na ilang araw kong pilit pinupuno..
Wish 6 : Make ups with kit
>>Natanggap ko to mula sa Tita ko na nasa States. Wala nga lang kit. Keri lang! Kasama ng isang set ng panglinis at pangpolish ng nails. :D Maraming salamat!
Wish 7 : Lots of parties/gimmicks this Christmas
>>Meron din naman akong napuntahan parties kahit papano. Madami din akong napuntahang out of town trips pagkatapos ng Christmas. :D Nagsawa nga ako sa beach eh. At umitim ako ng bonggang bongga. At naubos din ang pera ko ng bonggang bongga! Hahaha! Next year uli ah.. Caramoan! Or Busuanga! Or kahit san.. :D
Oh well... Hiling ko lang naman ngyong Pasko.. World peace and happiness. Hehehe! Seriously, aside sa mga material na bagay na ninanais ko, wish ko patuloy na maging maayos at masaya ang relasyon namin ni bf. at makasama ko na cya for life :) at cyempre, maging healthy at safe ang mga mahal ko sa buhay. Sana maging masaya ang Pasko nating lahat. Masaya tong Pasko ko dahil pagkatapos ng mahabang taon, may kapiling na ko magcelebrate. May kayakap na ko :D.. Panu kaya namen icecelebrate ang Pasko? Ah basta... Thank you Lord! :D
No comments:
Post a Comment