Tuesday, July 25, 2006

Hirap tlgang magmahal..

Mahirap magmahal sa taong hindi mo alam kung mahal ka din niya..
Minsan gusto mo ng sumuko.
Minsan gusto mo pa rin ipagpatuloy kahit masakit.
May puntong napapagod ka na rin.
Hindi mo alam kung anong iisipin mo.
Hindi mo alam kung anong ikikilos mo.
Hindi mo alam kung tama ba ang nararamdaman mo.
Hindi mo na naiisip kung ano ang iniisip at sinasabi ng ibang tao.
Ang mahalaga na lang syo ay ang nararamdaman ng puso mo.
Masakit man ito o masarap..
Habang tumatagal...
Habang lumilipas ang araw..
Mas lalo kitang minamahal.
Ni hindi ko naiisip na tanungin ang sarili ko..
"Mahal din ba niya ako?
O matututunan din ba niya akong mahalin?
Bakit kailangan niyang gumawa ng mga bagay na mas ikahuhulog ng loob ko sa kanya?
Kung wala naman siyang ibang pakay kundi pagkakaibigan lang..
Kahit iwasan kong hindi maramdaman, bakit umaasa ako?
Kahit alam kong walang kasiguraduhan, bakit nagsasakripisyo akong saktan ang sarili ko?"
Isa lang ang sagot dyan.. "Dahil mahal na mahal na kita kahit hindi mo alam..."
Minsan nasasaktan ako na sa tuwing magkasama tayo,
Hindi mo mailabas o maiparamdam ang buong pagmamahal ko sayo..
May pumipigil at yun ay ang katotohanang hindi naman "tayo".
At baka, hindi ko alam, may minamahal ka ng iba..
May mga oras na hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..
Pero sa mga oras ng pagiisip kong iyon, pinipili ko parin pinagpatuloy ang nararamdaman ko para syo..
At magsakripisyo at wag sumuko.
Mahal na mahal na kita...
Tanggapin mo man yan o hindi, hindi magbabago ang katotohanang minamahal kita ng buong puso..

No comments: